IMPEACHMENT COMPLAINT | Supreme Court Chief Justice Sereno, tumanggi sa mga tanong ng media

62

Manila, Philippines – Naging maingat si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagharap sa media matapos ang pagtatalumpati sa Women’s Forum sa Saint Scholastica’s College sa Lungsod ng Maynila.

Hindi na pinalawak pa ng Punong Mahistrado ang sagot sa mga tanong ng media sa kinakaharap na impeachment complaint sa Kamara.

Hindi na rin siya nagbigay ng reaksyon sa sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maaaring may Probable Cause ang Impeachment Complaint laban sa kanya dahil hindi niya naman narinig ang panayam sa kongresista.

Wala rin siyang sinabi kung bakit ayaw dumalo sa impeachment proceedings sa House Justice Committee.

Tanging sinabi lamang ni Sereno na nakapaghain na siya ng verified answer laban sa impeachment case.

Hiling lamang aniya sa mga kongresista na payagan ang kanyang mga abogado na katawanin siya sa pagdinig, at payagan siyang isalang sa cross examination ang mga testigo laban sa kanya sa pamamagitan din ng kanyang mga abogado.

Facebook Comments