Manila, Philippines – Magsisimula na ngayong araw ang alas-11:00 ng umagang pagbubukas ng mga mall sa Metro Manila.
Ito ay isang oras na mas late kaysa sa alas 10:00 ng umaga na normal na pagbubukas ng mga ito.
Ayon sa MMDA, makatutulong ito sa pagbawas ng masikip na daloy ng trapiko dulot ng Christmas season.
Sakop nito ang 15 malls sa EDSA, Commonwealth, C5 at Marcos Highway habang ang oras ng pagsasara naman ay depende na sa pasya ng mall operators.
Ang adjusted mall hours ay ipatutupad hanggang January 14, 2019.
Umapela din ang MMDA sa mga mall na iwasang mag-offer ng sale kapag weekdays.
Facebook Comments