Christmas tree lighting sa Malacañang, pinangunahan ni Pang. Marcos; tatlong unibersidad, wagi sa nationwide parol-making contest

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos ang Christmas tree lighting sa Malacañang.

Sa maiksing mensahe, sinabi ng pangulo na pinakamainam na pagkakataon ang araw ng Pasko para sa reflection at para magkaroon ng oras kasama ang mga kaibigan, pamilya, at mahal sa buhay.

Sinabi din ng pangulo na ang Pasko ay para sa mga bata.


“Christmas in the Philippines — we have gained the reputation around the world for celebrating Christmas with more fervor than most other countries. And I think that is a good thing because I think all of us Filipinos, we take Christmas as a time for reflection and a time for — to spend with your friends, your family, your loved ones and, of course, to watch the children because as far as I’m concerned, Christmas is really for the children,” sinabi ni Pangulong Marcos.

Pinangunahan din ng pangulo at ng Unang Ginang ang awarding ceremony para sa mga nagwagi sa “Isang Bituin, Isang Mithiin”.

Ito ay nationwide parol-making contest na nilahukan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang state colleges and universities.

Ang Batangas State University ang nagwagi ng P1-million na grand prize, second placer naman ang University of Northern Philippines na nag-uwi ng P500,000 cash prize, at ang 3rd place ay ang Bohol Island State University na mayroong P250,000 cash prize.

Ang top 3 winners ay tumanggap din ng laptop at mobile phone showcase habang ang kanilang state universities at colleges ay tumanggap ng photo and video editing package, na kinabibilangan ng Gigabyte G7 Gaming Laptop na mayroong 1-year Adobe Creative Cloud subscription.

Binigyan din ang mga eskwelahan ng Canon M50 Camera at 1 DJI Ronin – SC Camera Stabilizer 3-Axis Gimbal, at isang Insta 360 Flow AI-Powered Smartphone stabilizer.

Nakuha naman ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang special “online voting” award matapos na magkamit ng pinakamaraming “heart reactions” sa Facebook ang kanilang entry, at nagwagi ng P100,000 cash prize.

Facebook Comments