Talagang maaga ang selebrasyon ng pasko dahil binuksan na ang Christmas Village sa siyudad ng San Carlos na ikinatuwa ng karamihan. Ginanap ang nasabing Christmas lighting ceremony sa mismong City Plaza nito lang nakaraang November 6 ngayong taon.
Napakaraming tao ang namasyal at bumisita sa nasabing aktibidad. Sa opening palang ay talagang engrande at pasabog na ang inihanda dahil mayroon pang mga dancing water lights, tila lively and magical performances rin ang ipinakita ng mga clowns at mayroon pang nagsuot ng mascot ni Santa Claus na lalong dinumog ng mga bumisita.
Ang tawag naman ng Pangasinense sa aktibidad na ito tuwing nalalapit na ang kapaskuhan ay “silew-silew” na sa ingles ay “light” dahil nga punong-puno ng iba’t-iba at makukulay na Christmas lights sa buong siyudad. Advance Merry Christmas mga idol, mula rito sa IFM DAGUPAN! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments