Patuloy ang pagpapa-abot ng pasasalamat ng mga nagpa-abot ng kanilang mga wishes ngayong panahon ng kapaskuhan kaugnay ng RMN Christmas Lighting Project nationwide.
Marami sa mga nagkabit sa 13-footer Christmas Tree sa harap ng RMN Bradcast Center at nagtext, nag-pm ng kanilang mga Christmas Wishes ay biniyayaang matupad tulad ng pinaabot na wish ni Josephine Bueza ng bayan ng Ocampo sa Camarines Sur: Wish kop o magkaroon ng TV, kasi ang 7 naming anak ay nakikinood lang sa kapitbahay.
Mahigit 50 na mga indigent listeners mula sa Naga city at iba’t-ibang bayan ng Camarines Sur na certified DWNX Listeners ang nagantimpalaan ng kanilang mga wishes sa pamamagitan at pakikipag-ugnayan ng mga RadyoMaN ng DWNX .
Ang Christmas Lighting and Wishing Tree ay maiden project ng RMN ngayong taong 2018. Inaasahang magiging tradiyon na ito ng lahat ng RMN stations sa buong bansa at dalangin namin dito sa RMN Naga – DWNX na maging kasangkapan ito bilang tulay upang mapalapit ang mga nangangailangan at mga mapagbigay na mga tagapakinig ng mga programa ng DWNX.
Sa pinagyamang version ng RMN DWNX Naga, binasa on-air ang mga Christmas Wished ng mga listeners at may mungkahi sa mga well-to-do listeners at sa lahat na gustong makibahagi na sa ngalan ng diwa ng kapaskuhan, ito na ang pagkakataon na makibahagi at tulungan ang mga mahihirap na kababayan.
Masayang buhat-buhat ni Mr. Bueza ang TV na iginawad sa kanila mula sa kabutihang loob at sponsorship ng Aguila foundation sa pakikipag-ugnay ni Sir Vic Avila.
Maliban sa TV, maraming mga grocery packs pang-Christmas Noche Buena o pang-New Year ng mga medyo kinakapos na mga listeners din ang ipinamahagi ng DWNX. Tatlo pang mga binificiaries ang tumanggap ng mga Nebulizers na wishes nila para sa kanilang mga mahay sa buhay na nahihirapan sa paghinga dahil sa hika.
May mga nag-wish ng saklay, Super Kalan pangkabuhayan, radio, flashlight at water jag ang mga naipamigay na rin ng mga sponsors/donors sa pakikipagpamagitan at pakikipag-ugnayan ng radio station DWNX.
Sa lahat po ng mga na-grant ang wish, kaligayahan at karangalan po namin na kayo ay mapaglingkuran… Sa lahat po ng mga nakibahagi upang bigyang katuparan ang mga wishes ng kapwa nila mga DWNX Listeners, maraming-maraming salamat po sa inyongmabuting kalooban…
Mula po sa inyong mga RadyoMan sa RMN Naga-DWNX… Merry Christmas po sa lahat-lahat…Dalangin po namin na magiging mabunga ang darating na taong 2019 para sa lahat…
Christmas Wish na TV, Natupad… “Nakikinood lang Po sa Kapitbahay ang 7 Naming Anak”…
Facebook Comments