Manila, Philippines – Iginiit ni Cebu 3rd District Rep. Gwendolyn Garcia na panahon na para ipasa ang House Bill 6779 o pagkilala sa lahat ng church annulment sa bansa.
Sabi ni Cebu 3rd District Rep. Gwendolyn Garcia sa interview ng RMN, nagbabago kasi ang kalagayan ng mga mag-asawa kaya para hindi na maging komplikado ang mga bagay-bagay isinulong nila ang panukalang batas.
Sa ilalim kasi ng panukala, magkakaroon na ng parehong epekto sa batas ang paghihiwalay ng mag-asawang inaprubahan sa simbahan o anumang relihiyon gaya ng paghihiwalay sa korte.
Dagdag pa rito ang pagre-record ng annulment sa civil registry 30 araw matapos bumaba ang desisyon dito.
Kasama na rin dito ang pagsasaayos ng ari-arian ng mag-asawa.
Facebook Comments