Inihayag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na sa kabila na sensitibo ang kanilang trabaho, walang pondo para sa Confidential Fund
Base sa ulat ng Commission on Audit (COA), zero ang pondo para sa confidential fund noong 2022.
Maliban dito umano, maraming mga empleyado ng CICC ay pawang mga contract of service o COS.
Sa talaan ng COA, nasa 76.55 percent ng manpower ng CICC na pangunahing lumalaban sa cybercriminals ay hindi permanenteng empleyado ng ahensiya
Sa 226 na kabuuang emleyado ng CICC noong 2022, 173 ang contract of service kung saan mayorya ng mga emleyado na itibuturing ng COA na sensitibo ang trabaho gaya ng Intelligence Processing Division, Administrative Division at Digital Analytic Division ay mga Contract of Service.
Ang CICC ay binuo sa bisa ng isa batas noong 2012 at attached agency ng Department of Information and Communication Technology (DICT).