Philippine Embassy, biniberipika na ang napaulat na unang Pinoy na nasawi sa giyera sa Israel

Biniberipika na ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang napaulat na posibleng unang Pilipino na nasawi sa gitna ng nangyayaring giyera.

Ayon kay Philippine Consul General and Deputy Chief of Mission Anthony Mandap na patuloy nilang nilinaw ang hindi pa nakukumpirmang impormasyon ng embahada patungkol sa report.

Aniya, lubos silang nababahala dahil mayroon pang natitirang anim na unaccounted pa rin.


Samantala, kasalukuyang nang kinukumpirma ng labor attaché ng Embahada ang katotohanan sa likod ng mga ulat patungkol sa ilang Pinoy.

Nagpaalala naman ang opisyal na huwag basta-basta maglalabas ng unverified reports sa mga nawawala o namatay na Pinoy sa Israel.

Facebook Comments