
Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang national level Most Wanted Person na may patong na ₱135,000 matapos akusahan ng panggagahasa sa sarili niyang menor de edad na anak na babae.
Ikinasa ng CIDG Sultan Kudarat Provincial Field Unit, kasama ang lokal na pulisya, ang manhunt operation sa Brgy. Don Hurillo Chihote, Governor Generoso sa Davao Oriental nitong Sabado, Oktubre 4.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto kay Cenio, 61-anyos na may kasong rape.
Nabatid na walang piyansang inirekumenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Batay sa ulat, nangyari ang krimen noong Agosto 15, 2020 kung saan pinagsamantalahan ng suspek ang kanyang sariling 14-anyos na anak sa kanilang bahay.
Matapos lumabas ang warrant noong 2021, tumakas ang akusado at nagtago sa iba’t ibang bayan sa Davao Oriental hanggang sa mahuli ng CIDG Tracker Team.









