CIDG Isabela, May mga Binabantayang Brgy. Officials na Sangkot sa Katiwalian sa SAP

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni Plt Col Jeremias Oyawon, Provincial Officer ng CIDG Isabela Provincial Field Unit na may mga opisyal ng barangay ang kanilang binabantayan ngayon na sangkot sa anomalya kaugnay sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa naturang opisyal, inamin nito na mayroong silang minomonitor na mga opisyal sa Lalawigan ng Isabela na sangkot sa katiwalian sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng SAP ng DSWD.

Una nang inihayag ng DILG na mayroon ng nakasuhan at marami pang mga opisyal sa bansa ang minomonitor ngayon ng mga otoridad.


Dagdag pa ni PltCol. Oyawon, iniimbestigahan na ang mga nasa listahan na ibinigay ng DILG Region 02 maging sa mga natanggap na sumbong mula sa mga complainant.

Facebook Comments