Tatay sa US, aksidenteng nasagasaan ang anak na nagsa-sunbathing umano sa gitna ng daanan

704
(Unsplash)

MASSACHUSSETS, US – Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang isang 12-anyos na babae nang aksidenteng masagasaan nang kanyang sariling ama.

Sa inilabas na pahayag ng police at fire officials noong Linggo ng hapon, nagulungan ng sasakyan ng 41-anyos na tatay ang anak niyang nagsa-sunbathing umano noon sa gitna ng daanan.


Hindi raw napansin ng naturang ama na naroon ang kanyang anak at nagta-tanning.

Samantala, agad ding naisugod sa Boston Children’s Hospital ang biktima na inaasahan namang makakarekober.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyari.

Facebook Comments