CIDG mas pinaigting ang kampanya kontra loose firearms; Editor ng Manila Today, arestado

Si Lady Ann Salem, Editor ng Manila Today

Pinaigting ng Criminal Investigation and Detection Group- National Capital Region o CIDG-NCR ang kanilang kampanya kontra sa mga loose firearms at criminal gangs.

Ang naturang police operation ay nagresulta sa pagkaka-aresto kina Mark Ryan Cruz y Gonzales, Romina Raiselle Astudillo y Lindawan, Jaymie Gregorio y dela Cruz, Dennise Velasco y Aquino a.k.a. “Kalbo”; Joel Demate y Quitor, Rodrigo Esparago y Santos a.k.a. “Erwin,” at Editor ng Manila Today na si Lady Anne Salem a.k.a. “Icy Anne Salem de Leon.”

Nakumpiska sa tahanan nina Cruz, Astudillo, at Gregorio sa Quezon City ang ilang baril, pampasabog, mahahalagang gamit at mahigit isang milyong piso.


Habang sa tahanan naman ni Velasco sa Greater Lagro, Quezon City, ay nakakumpiska rin ang mga otoridad ng armas at iba’t ibang subersibong dokumento.

Sa tahanan naman ni Demate sa Sta. Ana, Manila nakuha ng mga otoridad ng iba’t ibang uri ng mga armas.

Ganito rin ang nakuha sa bahay nina Esparago at Salem sa Mandaluyong City.

Paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law at R.A. 9516 o Illegal Possession of Explosives ang kakaharapin ng mga naaresto.

Facebook Comments