CIDG, papasok na rin sa imbestigasyon sa tangkang pagtakas at pang-ho-hostage ng 3 ASG kay dating Sen. De Lima sa PNP Custodial Center

Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring tangkang pagtakas ng tatlong persons under police custody kahapon na nauwi sa pangho-hostage kay dating Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Azurin, inatasan na niya ang Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG-NCR) na manguna sa imbestigasyon.

Mahigpit niyang bilin sa CIDG na alamin ang buong pangyayari at ang mga pagkukulang sa seguridad sa PNP custodial.


Aniya, makakatuwang ng CIDG-NCR sa imbestigasyon ang PNP Forensics Group.

Maliban sa PNP, nagsasagawa na rin ng moto propio o sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments