Dalawang opisyal ng grupong PISTON at Kilusang Mayo Uno, arestado matapos ang kanilang arraignment sa Quezon City RTC

Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang opisyal ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at Kilusang Mayo Uno (KMU) matapos humarap sa arraignment sa QC Regional Trial Court (RTC) Branch 220.

Kinilala ni PBGen. Nicolas Torre III ang mga inaresto na sina KMU International Officer Kara Taggaoa at PASODA President Larry Valbuena.

Parehong nahaharap sa kasong direct assault sina Taggaoa at Valbuena.


Ayon kay QCPD Director Torre, maayos na dinampot ang dalawa at binasahan ng Miranda rights.

Ayon naman sa KMU, walang warrant of arrest na ipinalabas ang mga awtoridad bagay na pinabulaanan ng QCPD.

Dinala muna sa Quirino General Hospital ang dalawa bago idiniretso sa QCPD.

Facebook Comments