CIF, nananatili sa 2024 General Appropriations Bill na inparubahan ng House Committee on Appropriations

Matapos ang serye ng budget briefings ng mga ahensya o tanggapan ng gobyerno ay inaprubahan na ng House Committee on Appropriations ang panukalang pambansang pondo o General Appropriations Act (GAA) para sa susunod na taon.

Ayon kay Committee Senior Vice Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo, sa darating na Martes, September 19 hanggang September 27 ay isasalang na sa deliberasyon sa plenaryo ang proposed 2024 budget.

Sabi ni Quimbo, ipinaloob nila sa 2024 GAA na bigyan ng dalawang taon ang mga ahensya ng gobyerno para gastusin ang kani-kanilang Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE.


Dagdag pa ni Quimbo, kanila ring inalis ang pag-obliga sa Kongreso na magsumite ng report sa Ehekutibo.

Binanggit din ni Quimbo na hindi nila pinagbigyan ang suhestyon ni Ombudsman Samuel Martires na alisin ang paglalathala sa mga reports ng Commission on Audit.

Nagpahayag naman ng pagka-alarma si House Deputy Minority leader and ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na nananatili pa rin umano sa committee approved General Appropriations Bill ang bilyun-bilyong pisong confidential funds.

Facebook Comments