SA HALIP na buhay na hayop, realistic holograms ang ginagamit ng isang circus sa Germany.
Ang Circus Roncalli ang kauna-unahang gumamit ng holograms kapalit ng tunay na hayop.
Ginawa nila ang animation sa computer at pino-project ang tunay nitong laki.
Kasama sa mga nasabing hayop ang elepante, wild horses, unggoy, at isda na nakikitang tumatakbo, lumalangoy at gumagawa ng acrobatics sa ibabaw ng entablado.
May ilang dekada na ring nagpapalabas ang Circus Roncalli ngunit ngayon lang sila nagdesisyon na palitan ang mga hayop ng 11 projectors, lasers at lenses.
Marami ang pumuri sa ginawa ng Roncalli dahil nababawasan ang mga hayop na ikinukulong at napapasaya ang mga tao sa nakabibilib na paraan.
Facebook Comments