Operasyon ng DFA Consular Office sa Angeles City, Pampanga, pansamantalang sinuspinde

85

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng Consular Office sa Marquee Mall sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa DFA ang Marquee Mall sa Angeles, isinara matapos ipag-utos ng lokal na pamahalaan ang pag-disinfect sa naturang shopping mall.

Ang operasyon ng Consular Office sa Angeles City ay muling ibabalik sa sandaling matapos ang disinfection sa mall.

Ang mga apektadong aplikante na may confirmed appointment o schedule sa panahon ng pagsasara ay maaaring ma-accommodate hanggang September 14, 2020 sa regular office hour ng Consular Office.

Para naman sa mga applicant na nangangailangan ng agarang serbisyo, sila ay maaaring makipag-ugnayan sa Consular Office sa pamamagitan ng kanilang email na angeles.rco@dfa.gov.ph.

Humingi naman ng pang-unawa at kooperasyon sa publiko ang DFA sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang pandemya.

Facebook Comments