CITRUS FARM TOUR AT CITRUS PICKING EXPERIENCE, INILUNSAD SA KASIBU, NUEVA VIZCAYA

Inilunsad na ang “Citrus Farm Tour and Citrus Picking Experience” sa Malabing Valley, Kasibu ngayong araw, Setyembre 29, 2022.

Layon nitong mapayabong ang industriya ng turismo at mas makilala ang bayan ng Kasibu sa Nueva Vizcaya bilang Citrus Capital ng Luzon.

Ang aktibidad ay inilunsad ng Municipal Local Government Unit ng Kasibu sa pangunguna ni Provincial Tourism Council Chairperson at dating Gobernador Ruth Raña Padilla kasama si Vice Mayor Alberto “Chito” Bumolo Jr. sa Malabing Valley, Kasibu.

Matatagpuan sa bayan ang maraming taniman ng matatamis at seedless na Citrus kung kaya’t tinagurian itong Citrus Capital ng Luzon.

Malaking bahagi ng taniman ay matatagpuan sa Malabing, Valley, Kasibu.

Bukod sa sariwang mga citrus ay may iba’t ibang produktong ang lugar tulad ng Citrus Wine.

Tuwing Agosto ang pinakasaganang pag-aani ng mga Citrus.

Facebook Comments