PULIS ABRA, AKSIDENTENG NABARIL ANG SARILI

43
Patay ang isang pulis matapos aksidenteng mabaril ang sarili sa Bangued, Abra kamakailan.

Kinilala ang nasawing pulis na si Cpl. John Paul Ayon-ayon, 33-taong gulang, at residente ng Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Sa imbestigasyon ng PNP, kasalukuyan noon ang ginagawang paglilinis ng pulis sa kanyang 9mm pistol service firearm sa motorpool ng Abra Police Station bandang alas 2:00 ng hapon ng bumara ang isang bala nito.

Sinubukan umanong tanggalin ng pulis ang bumarang bala ngunit aksidente nitong nabaril ang sarili sa bandang dibdib.

Naisugod pa ito sa ospital ngunit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Nakita ng mga Forensic investigators ang basyo ng bala ng baril ni Ayon-ayon.



Nagrequest naman ang pamilya ng biktima ng autopsy para matukoy ang totoong dahilan ng pagkamatay nito.

Facebook Comments