Pinabulaanan ng pamunuan ng City Agriculture Office ng Dagupan na walang pinangangambahang problema na posibleng makaapekto sa industriya ng bangus sa Dagupan City ngayong panahon ng tag-init at ang inaasahang pagselebra ng Bangus Festival 2022.
Ayon kay Teresita Pascua, OIC, City Agriculture Office, ang “insidente ng paggataw” na naiulat kamakailan ay hiwalay na insidente at hindi masasabing pareho sa lahat ng fish ponds o fish cages sa Dagupan City.
Sa inilabas na pahayag ng lokal na pamahalaan ay ang mangilan-ngilang pagkamatay ng isda at malaga dahil sa pabago-bagong panahon at temperatura ay normal at inaasahan sa ganitong panahon lalo na sa lungsod ng Dagupan kung saan naitatala ang mataas na heat index.
Kaugnay nito ay hindi ito nagdudulot ng malawakang pagkamatay at perwisyo sa fish growers.
Nais linawin ng City Agriculture Office na walang malawakang pagkamatay ng bangus sa Lungsod ng Dagupan at tinitiyak ding maayos ang suplay ng bangus sa lungsod kung saan ay patuloy na ginagabayan ang fish growers at binabantayan ang mga palaisdaan at kailugan. | ifmnews
Facebook Comments