Itinanggi ng pamunuan ng City Garden Grand Hotel sa Makati City na lumabag sila sa ipinatutupad na health protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Kasunod ito ng banta ng Departmet of Tourism (DOT) na bawiin ang kanilang business permit matapos ang pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa kanilang hotel.
Ayon naman kay Tourism National Capital Region Director Woodrow Maquiling Jr., nagsasagawa na sila ng malalimang imbestigasyon, kasama na ang isyu ng pagiging mabagal ng hotel sa pagresponde sa nangyari kay Dacera, na indikasyon na wala itong kaalaman sa pagtugon sa ganitong mga sitwasyon
Sa ngayon, wala pang tugon ang hotel sa panibagong isyu laban sa kanila.
Facebook Comments