Niyanig ng isang malakas na lindol ang South Cotabato, Sarangani Province, Gensan City ( Socsargen area) at ibang lugar sa Mindanao alas 4:23 ng umaga kanina.
Ayon sa tala ng Philvolcs nataLA ang 7.3 magnitude na lindol , 87 kilometers southwest Sarangani Davao Occidental.
Sa interbyu ng Rmn Gensan kay Mr. Graybert Malinog, action officer ng Municipal Disaster Risk Reduction and management Council, Sarangani Davao Occidental na una nilang naramdaman ang ganong kalakas na lindol na umabot sa 7.3 magnitude at naramdaman sa mga isla ng Balut island at sarangani Island.
Sa Gensan naman isang lumang pader ang nawasak dahil sa nasabing lindol habang may iilang lumang building ang nagkaroon ng Crack. Samantala wasak din ang salamin ng mayor’s office sa City Hall at may mga nakita ring mga crack sa pader.
Patuloy naman na minominitor ang mga coastal areas ng ilang lugar dito sa Gensan habang may iilang residenti ng coastal areas dito sa lunsod ang nag silikas sa mas ligtas na lugar.
City hall ng Gensan at mga lumang pader naapektuhan ng lindol
Facebook Comments