City health ng Gensan, may paalala sa mga magulang ngayong tag-ulan

Gensan, Philippines – Pinaalalahanan ngayon ni Gensan City Health Officer Dr. Washington Loreno ang lahat ng mga magulang na wag kalimutang padalhan ng payong o kapote ang kanilang mga anak na pumapasok sa klase lalo na ngayon na patuloy na nararanasan ang tag-ulan.

Sinabi ni Dr. Loreno na mas mabuhing handa palagi ang mga mag-aaral na suongin ang tag-ulan sa pamamagitan ng pagdala ng proteksyon sa kanilang katawan para maiwasan ang magkasakit.

Inaasahan din ng city health office ang posibling pagtaas ng bilang ng dengue cases sa lunsod kaya muli nitong pinaalalahanan ang mamamayan na panatilihin ang kalinisan sa kanilang paligid.


Sa mga eskwelahan naman palaging minomonitor ng nasabing ahensya ang lahat ng mga paaralan para masigurong malinis at maiwasang magkadengue ang mga mag-aaral.

DZXL558, Rose Sioco

Facebook Comments