City Health Office nanawagan sa mga magulang na suportahan ang House to House Vaccination laban Tigdas

General Santos City – Kasabay ng pagsimula ng house to house na libreng pagbakuna sa mga bata laban sa Tigdas, nanawagan ang City Health Office sa mga magulang dito sa Gensan na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Target ng City Health Office na mabakunahan ang mga bata na may edad limang taon hanggang anim na buwan para mapigilan ang lalong pagtaas ng bilang ng mga nagkaroon ng Tigdas dito sa lungsod.

Sinabi pa ni City Health Office Head Dr. Jett Oco, na ang bakunang binibigay ng kanilang tanggapan laban sa tigdas ay matagal ng programa ng gobyerno kaya walang dapat katakutan ang mga magulang kung kanilang pabakunahan ang kanilang mga anak.


Dagdag pa ni Dr. Oco na nagkaroon sila ng konting problema sa kanilang isinagawang house to House vaccination para sa Tigdas dahil may ilang mga magulang na hindi pumayag na bakunahan ang kanilang mga anak dahil silay takot dahil na rin sa dengvaxia Issue.
(Photo From Web)

Facebook Comments