Paiigtingin ng City Health Office ng Dagupan ang paghahabol sa mga residente nitong wala pang bakuna kontra COVID-19.
Inamin ng ahensya na marami pang residente nito ang kailangan pang bakunahan laban sa sakit.
Sa isang panayam sinabi ni City Health Officer Dr. Ophelia Rivera, marami sa mga ito ay kailangang mabigyan ng primary series o first at second dose ng COVID-19 vaccines dahil sa pagmamatigas na huwag magpa-bakuna.
Sa katunayan aniya ay marami pa silang kailangang habulin para mabigyan ng bakuna at pangunahin dito ay mga Senior Citizen na tumatanggi paring magpa-bakuna.
Patuloy naman ang vaccination rollout sa Mega Vaccination Facility ng lungsod kung saan nagsimula na rin silang magturok ng unang booster shot para sa mga edad 12-17 years old.
Hinimok rin nito ang mga Fully Vaccinated Individuals (FVI) sa lungsod na magpabakuna ng kanilang booster shot o additional dose para mas mapataas ang kanilang proteksyon laban sa virus. | ifmnews
Facebook Comments