City Health Office sa Cauayan, Nagpaalala na ugaliing Maglinis ng Kapaligiran!

*Cauayan City, Isabela*- Muling nagpapaalala ang City Health Office sa Lungsod ng Cauayan ang publiko na ugaliing maglinis ng kapaligiran upang hindi ito mauwi sa sakit gaya ng dengue.

Kasabay ito ng pagdedeklara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na non-working holiday sa darating na biyernes (July. 26,2019)

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Errol Maximo, tagapagsalita ng CHO Cauayan City, may 208 na naitalang kaso ng dengue at isa dito ay namatay na kung kaya’t mahigpit na pinapaalala ang paglilinis para makaiwas sa naturang sakit.


Ikinumpara din ni Nurse Errol ang sitwasyon ng dengue cases sa parte ng Mindanao na madami ang bilang ng mga nagpositibo sa dengue pero hindi dapat balewalain ang ganitong uri ng sakit.

Nagbabala din ang CHO na kapag nakakaranas ng paulit ulit na sakit ay mangyaring magpasuri na sa doktor para makita kung ito ba ay sintomas ng dengue.

Patuloy naman ang isinasagawang monitoring ng nasabing tanggapan at pagpapaalala sa ilang mga maaaring bahayan ng kiti-kiti na posibleng pagmulan ng sakit na dengue.

Facebook Comments