Joshua Garcia, binura ang komento sa isyung “third party” na inuugnay kay Julia at Gerald

1957
Instagram via Joshua Garcia, Julia Barretto

Usap-usapan ngayon ang binura ni Joshua Garcia na komento sa kaniyang Instagram story na “I’m mute” sa kalagitnaan ng twitter trends ng alegasyon na third party nila Julia Barretto at Gerald Anderson kahapon.

Binura agad ni Joshua ang IG story ngunit pinag-usapan pa rin ang pananahimik nito sa kabila ng “cheating” na alegasyon ng dating girlfriend na si Julia at Gerald.


Screenshot via Joshua Garcia on IG story

Ani ng netizens, tahimik ang aktor sa nangyaring hiwalayan nila ni Julia hanggang sa mag-trending at mabalitaan ang tungkol dating girlfriend at Gerald.

Dagdag ng netizens, ipinarating pa nila sa publiko na friends sila nito dahil may papalabas pang movie ang dalawa.

Ayon kay @artsyseulgi, “Gotta admire Joshua Garcia for staying quiet about the cheating issue and showed his professionalism for the sake of finishing the movie.”

Dagdag ni @queenraneee, “To Joshua Garcia, I salute you man. Imagine being the victim yet still covering for the girl you love but never reciprocated your faithfulness. I just hope that you and Ms. Bea will find the right partners in the future. God has prepared better plans for the two of you.

Nilike naman ni Joshua ang post ni Bea sa kaniyang Instagram account na,

“you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice’

ENOUGH.”

 

Trending sa twitter sina “Julia”, “Gerald” “Bea Alonzo”, “Joshua” at “Cheater” sa twitter simula kahapon hanggang sa kasalukuyan kaugnay ng mga post na patungkol sa third party ng dalawa.

Facebook Comments

From Advertisers