General Santos City—ginalogad ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-12, BJMP, Joint Task Force Gensan, Gensan City Police Office at Pulisya galing sa Police Regional Office -12 ang Gensan City Jail alas 12:00 ng hating gabe, ito’y matapos ng impormasyong aktibo ang bintahan ng Shabu sa nasabing Detention Facility.
Nare-cover ng PDEA-12 ang (14) na small Sachet at (1) jumbo pack ng pinaniniwalaang Shabu; (68) bladed weapon, (23) Cellphone, cash na nagkakahalaga ng P 19,000.00; at mga Drug paraphernalia’s.
Sinabi ni PDEA-12 Regional Director Gil Cesario Castro na nakatanggap sila ng impormasyon na aktibo na naman ang binhatan ng illegal drugs sa City Jail, kaya agad silang nagsagawa ng Validation. Nang makumperma ang report agad silang nagsagawa ng Oplan Galogad.
Base sa report may isang Jail Guard na sangkot umano sa pagpuslit ng druga sa City Jail kung saan ay patuloy pang iniimbistigahan sa ngayon.