City Mayor Bernard Dy, Inalala ang mga Ambag ng Yumaong si SP Rene Uy!

Cauayan City, Isabela- Inihalimbawa ni City Mayor Bernard Dy na isang matulungin at isang malaking kawalan ang pagpanaw ni dating SP Member Rene Uy matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa sakit sa atay.

Magugunita na sumakabilang buhay ang konsehal noong Martes, Oktubre, 1,2019 bandang alas 12:00 ng hatinggabi sa isang pagamutan sa Metro Manila.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Dy, pangalawa na ang nangyaring pagpanaw ng Uy sa mga konsehal sa Lungsod matapos ang pagpanaw rin ng dating konsehal na si SP Alex Uy na kapatid ni City Coun. Cynthia Uy-Balayan.


Patuloy naman ang pakikidalamhati ng publiko at mga malalapit sa puso ni SP Rene Uy kaugnay sa kanyang pagpanaw.

Facebook Comments