Lalaki sugatan matapos subukang saksakin ng kuya ng nililigawang babae sa Pangasinan

220

Sugatan ang isang lalaki matapos itong subukang saksakin ng kuya ng kaniyang nililigawan sa Brgy. Salomague Norte Bugallon Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Noel Valenton, 29 anyos at tricycle driver.
Kinilala naman ang mga biktimang si Maricris Valenton, 30 taong gulang at Anthony Sabarillo , 33 taong gulang.
Sa imbestigasyon ng otoridad, lasing ng umuwi ang suspek at naabutan nito ang mga biktima na magkatabi hanngang sa nagkaroon na ng hindi pagkaka unawaan sa pagitan ng mga biktima at suspek.
Kumuha ng patalim ang suspek at sinubukang saksakin si Sabarillo ngunit hinarang ito ni Maricris na nasugat sa kaliwang bahagi ng kamay at nagtamo rin si Sabarillo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa PNP Bugallon at kakasuhan ng physical injury.
###

Facebook Comments

From Advertisers