City Mayor Bernard Dy, Pabor sa Pagdedeklara na Persona Non-Grata ang Komunistang Grupo sa Lungsod!

111

*Cauayan City, Isabela*- Pabor si City Mayor Bernard Dy sa pagdedeklara ng Konseho ng Cauayan ang pagiging Persona Non-Grata ng mga Komunistang Grupo sa lungsod.

Kasabay ito ng ipinalabas na resolusyon ni City Councilor Danilo Asirit sa ginanap na sesyon sa konseho kahapon.


Sa naging panayam ng 98.5 Ifm Cauayan kay City Mayor Bernard Faustino Dy, kanya itong aaprubahan sakaling maisapinal ang pagpirma ng lahat ng bumubuo sa konseho ng Cauayan dahil mandato naman aniya ito ng Pangulong Duterte para sa mga komunistang grupo na kalaban ng gobyerno.

Siniguro naman ng LGU Cauayan ang mahigpit na seguridad sa publiko sakaling may mangyaring hindi inaasahang insidente.

Inaasahan naman na sa susunod na sesyon ay pormal na itong idedeklara ng konseho sa pangunguna ni Mayor Dy sa pagdeklara na Persona Non-Grata ang mga komunistang grupo.

Facebook Comments