City Mayor Bernard Dy, Pinangunahan ang Clearing Operations sa mga lansangan!

89

Cauayan City, Isabela-Pinangunahan ni City Mayor Bernard Faustino Dy ang road clearing operations sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Dy, tumutupad lamang sila sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatiling daan ang mga pangunahing lansangan sa buong bansa.


Aniya, wala namang dapat ipangamba ang mga maapektuhan ng nasabing operasyon dahil may ilalaan naman ang lokal na pamahalaan upang manatili pa rin ang kanilang pangkabuhayan.

Kaugnay nito, kumpiyansa naman si Mayor Dy na matatapos ang isinasagawang clearing operations bago pa man ang nakatakdang deadline.

Hinihikayat naman ni Mayor Dy na makipagtulungan nalang ang publiko para sa mas maayos na resulta nito.

 

98.5 iFM Cauayan, RMN Cauayan. LGU Cauayan, City Mayor Bernard Dy, Luzon, POSD, CEEMO, City Engineering Office, Cauayan City, Luzon

Facebook Comments

From Advertisers