Bela Padilla, papalitan si Nadine Lustre sa ‘Miracle in Cell No. 7’

315
Photos via Instagram / @nadine , @bela

Kumpirmado na ang pag-atras ni Nadine Lustre sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Miracle in Cell No.7” na pagsasamahan sana nila ni Aga Muhlach.


(Aga Muhlach at Nadine Lustre gaganap sa Pinoy remake ng ‘Miracle in Cell No.7’)

 

View this post on Instagram

 

Meeting for a new project! 🔜 @nadine @agamuhlach317

A post shared by VIVA ARTISTS AGENCY (@vivaartistsagency) on

Sa meeting ng MMFF Execom, Huwebes, pormal nang nagbigay ng request ang Viva Films na papalitan ni Bela Padilla si Lustre bilang lead actress ng pelikula.

Nakasaad sa liham ng Viva na nag-beg off si Lustre “due to medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film.”

Inaprubahan naman ng MMFF Execom ang pagbabago ng cast ng Viva at sinabing tiwala sila kay Padilla.

“We believe that Bela Padilla is an excellent actress and a bankable star and she will significantly contribute to the film’s artistry and commercial success,” ani opisyal ng MMFF.

Inaabangan pa rin ang apat pang pelikula na kukumpleto sa roster ng 2019 Metro Manila Film Festival.




Facebook Comments