City Mayor Bernard Dy, Umapela sa IATF kaugnay sa Pamamahagi ng SAP!

Cauayan City, Isabela- Nagpasa na rin ng position letter sa Inter Agency Taskforce (IATF) sa National Level si City Mayor Bernard Dy upang magkaroon ng mas malinaw na pagpapatupad sa pamamahagi ng Social Amelioration Program ng pamahalaan.

Aminado si City Mayor Bernard Dy ng Cauayan na nalito rin ito sa pagtukoy sa mga karapat-dapat na mabibigyan ng financial assistance dahil na rin sa mga kumakalat na pabatid sa social media.

Sa ginawang pagpupulong ng 65 na mga Brgy Kapitan sa Lungsod ay nakiisa ito sa mga sentimyento ng bawat Kapitan dahil sila umano ang sisisihin ng mamamayan kung magkaroon man ng kapalpakan.


Ayon kay Mayor Dy, kinakilangan aniya na maglabas ng statement ang IATF na mayroon lamang alokasyon at hindi lahat ng households ay mabibigyan ng financial assistance.

Kaugnay nito, magsisimula na ngayong araw ang pagpapapirma ng Social Ameliortaion Card (SAC) form sa mga households sa Lungsod sa pangunguna ng mga miyembro ng CSWD, at mga Brgy Officials.

Tinatayang nasa 37 libong households ang nakatakang pipirma ng form sa Lungsod subalit nasa 23 libo lamang ang mabibigyan ng naturang tulong.

Facebook Comments