City of Ilagan, Handa na sa Gaganaping Chess Festival 2019!

56

City of Ilagan, Isabela – Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaang Panlungsod ng Ilagan sa gaganaping kauna-unahang City of Ilagan Chess Festival 2019 ngayong darating na Sabado at Linggo sa City Sports Complex, City of Ilagan, Isabela.

Ito ang ibinahagi ni Mr. Clifford Ruiz ng Isabela National High School, Tournament Manager ng Chess Ilagan sa naging panayam ng 98.5 RMN Cauayan.


Ito anya ay paggunita sa pagdiriwang ng Aggau na Yli ng nasabing lungsod.

Tatlong kategorya anya ang inihanda ng City of Ilagan na kinabibilangan ng 3 on 3 Rapid Chess – Open, Kiddies Chess Rapid na isasagawa sa May 4, 2019 at Individual Blitz Event – Open na gaganapin naman sa May 05, 2019.

Ayon pa kay Mr. Ruiz, inaasahan na dadaluhan ito ng mga Chess Player mula sa Maynila at mga karatig na lugar.

Kinakailangan lamang anya na magparehistro sa kanilang tanggapan o kaya ay bisitahin ang kanilang page na Philippine Chess Portal at hanapin ang May 4 at 5 Chess Events para sa online registration.

Iniimbitahan naman ni Mr. Ruiz ang mga interesadong manlalaro ng Chess na makibahagi sa kanilang Chess Festival at malaking prizes ang maiuuwi ng mga magwawagi kasama na ang mga Category Award.




Facebook Comments