
Cauayan City – Muling pinatunayan ng City of Ilagan ang kanilang pagiging dominanteng koponan matapos masungkit ang kampeonato sa Senior Division ng Isabela Tri City Inter-Town Basketball Tournament.
Sa Game 3 na ginanap noong Disyembre 22, 2025 sa Santiago Sports Arena, tinalo ng Mammangi Team ang Tumauini sa iskor na 84–56.
Agad na kinuha ng Ilagan ang kontrol ng laro mula unang quarter, 22–16, at patuloy na pinalawak ang lamang sa ikalawa at ikatlong yugto. Sa tulong ng matatag na depensa at mga key baskets, hindi na nakalapit pa ang Tumauini hanggang sa huling bahagi ng laban.
Tampok sa tagumpay ang husay ni Guilmer Dela Torre na hinirang bilang Most Defensive Player, habang kinilala naman si Donald Gumaru bilang Most Valuable Player ng torneo.
Bilang kampeon, nag-uwi ang City of Ilagan ng tropeo, team medals, at ₱1 milyong cash prize. Samantala, nagtapos bilang first runner-up ang Tumauini, habang pumangalawa ang Santiago City at pumangatlo ang Cauayan City.
Photo credit: BennGD Sports Multimedia









