Ayon kay City Mayor Josemarie ‘Jay’ Diaz, karamihan sa mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay pawang mga ‘asymptomatic’ habang ang iba naman ay mild cases.
Mabibilang naman aniya sa mga pasyente ang may severe o moderate cases kung saan ang mga ito ay hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Dagdag pa ng alkalde, higit na importante ang pagbabakuna upang maiwasan ang malalang sitwasyon sakaling tamaan ng virus ang isang indibidwal.
Mula naman sa 70% target population, nabakunahan na sa unang dose ang 117,764 indibidwal o katumbas ito ng 107.27% Accomplishment rate.
Umabot naman sa 111,763 ang fully vaccinated individuals o katumbas ng 101.81% Accomplishment rate.
Samantala, sa pagtaya ni Mayor Diaz, nangunguna umano ang lungsod ng Ilagan sa buong lambak ng Cagayan na may mataas na vaccination rollout.
Kabilang naman aniya sa mas mababa sa 30% na hindi pa bakunado ay ang mga kabataan na edad 11 pababa.
Sa ngayon, hinihintay pa rin ng LGU ang go signal ng Department of Health kung kailan maaaring simulan ang pagbabakuna sa mga bata.
Patuloy naman ang paghimok ng lokal na pamahalaan sa publiko na sundin ang umiiral na panuntunan sa pag-iwas sa COVID-19.