City of Ilagan, Nasungkit ang Gold Medal sa 400M Hurdles Womens Category!

132

Ilagan City, Isabela- Mapalad na nasungkit ng City of Ilagan ang Gold Medal sa larangan ng 400M Hurdles womens kanina.

Ito ay sa pamamagitan ni Robyn Brown, isang Fil-American, 24 anyos at mula sa Hawaii.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay Brown ay masaya aniya ito na irepresenta ang syudad sa kanyang nakamit na medalya.

Aniya, ito na ang kanyang ikalawang pagpunta sa Ilagan City upang makipagtagisan ng galing sa larangan ng sports.

Samantala, pumangalawa naman ang silver medalist na si Jessa Mae Jarder ng University of Santo Tomas habang sa Boys Category ay nakuha ng Adamson University ang Gold, Silver sa University of the East at University of Santo Tomas ang nakakuha sa bronze.

Facebook Comments

From Advertisers