Unang araw ng Tagisan sa Ayala Philippine Athletic Championship, Umarangkada!

60

Ilagan City, Isabela – Umarangkada sa unang araw ng tagisan ang mga manlalaro sa iba’t-ibang kategorya ng Philippine Athletic Track and Field sa sports complex ng lungsod ng Ilagan.

Sa pagtutok ng RMN Cauayan sa naturang palaro ay nagpakita ng paghataw sa larangan ng sports ang mga manlalaro sa naturang aktibidad.


Kabilang sa mga laro ngayong araw ay ang 10,000 meter run, 100m run, high jump, long jump, paul vault, discus throw, shot put, 400m Hurdle at iba pa.

Ang naturang mga palaro ay pinaglalabanan naman ng mga kalahok mula sa iba’t ibang mga paaralan maging ng mga masters women and men.

Ang naturang palaro na nag-umpisa ngayong araw ay nakatakda namang matapos sa ika-8 ng marso ngayong taon.

Facebook Comments

From Advertisers