CITY ORDINANCE | Higit 50 katao, arestado sa isinagawang simultaneous anti-criminality and law enforcement operations sa Quezon City

bManila, Philippines – Pinagdadampot ng nga tauhan ng QCPD station 6 ang ilang mga kabataan gayundin ang mga nag-iinuman sa tabi ng kalsada sa iba’t-ibang mga barangay sa Batasan Hills Quezon City kaninang madaling araw.

Habang nagsasagawa ng simultaneous anti-criminality and law enforcement operations ang station 6 natiyempuhan nila ang mga nasabing kalalakihan.

Karamihan sa mga ito ay nag-iinuman sa tabi ng kalsada, naglalaro ng video games sa computer shop at mga menor de edad na pagala-gala.


Ang ilan sa mga nahuli hindi daw alam na mayroon ng ganung ordinansa sa kanilang lugar.

Ayon sa mga otoridad bahagi lamang ito ng kanilang ipinatutupad na curfew hours at city ordinance sa kanilang lugar. Mas lalo pa aniya nila itong paiigtingin upang maiwasan ang mga insidente ng panghoholdap at krimen sa kanilang lugar.

Sa kabuuan labing pitong menor de edad, tatlumput tatlong drinking in public, dalawa naman ang may warrant of arrest dahil sa kasong rape, at dalawa naman ang naaresto dahil sa pagtutulak ng shabu.

Samantala dahil sa unang offense palamang ng mga dinampot kaagad namang ni-released at pinagsabihan ang mga ito gayundin ang mga magulang ng mga menor de edad at kapag muli silang nahuli sa ikalawa hanggang susunod na pagkakataon papatawan na ang mga ito ng parusang paglabag sa city ordinance ng lungsod gayundin ang mga magulang ng mga menor de edad.

Facebook Comments