City PNP Director ng Gensan-pinalitan na

General Santos City—pinalitan na ang City PNP Director ng Gensan City Police Office, itoy matapos isinagawa alas 3:00 ng hapon kahapon ang Tun Over Of Command mula kay Out Going Gensan City PNP Director Police Sr. Supt. Maximo Layugan kay Police Sr. Supt. Romeo Ruel Biranggo, dating Chief ng Regional Public Safety Battalion na nakabase sa Police Regional Office 12.

Sinabi ni Police Sr. Supt. Berango na kanyang ipagpatuloy ang mga nasimulan ng dating City Director na si Col. Layugan dahil naging epektibo umano ang mga programang ipinatupad nito laban sa krimen.

Samantala sinabi naman ni Gensan City mayor Ronnel Rivera na nagulat nalang sya nang syay pinadalhan ng Sulat ni PNP Regional Director Police Chief Supt. Cedric Train na si Berango na ang magiging City Director ng Gensan.


Gusto sana ng alkalde na ma-extend pa ang panunungkulan ni Col Layugan sa Gensan City Police Office dahil naging maganda ang performance nito.

Tags: Rmn Gensan, GSCPO, General Santos, Rose Sioco, Bryan OƱate, Inah Daven

Facebook Comments