Lalaking isinilid sa maleta sa Rizal, nakilala na

Manila, Philippines – Nakilala na ang lalaking nakagapos at may busal sa bibig na isinilid sa loob ng isang maleta sa Binangonan, Rizal.

Ayon kay Ernesto Cenido, Brgy. Batingan Deputy Officer, ang mga kaanak mismo ng biktimang si Joren Kim Fermin, 23-anyos ng barangay Pipindan ang kumilala rito.

Aniya, may record ng pagnanakaw si Fermin at ilang beses na ring nakulong.


Sinabi naman ni SPO1 Reynante Tan Loyola, walang nakitang sugat sa katawan ng biktima pero may palantandaang sinakal ito.

Hindi pa malinaw ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin na patuloy na inalaam ng mga awtoridad.

Facebook Comments