Muling nagpulong ang mga opisyales sa Cotabato City kasabay ng banta ng mga armado at terorismo sa mga kalapit bayan at lalawigan.
Pinangunahan mismo ito ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi kasama ang mga opisyales ng mga City PNP , Joint Task Force Kutawato at mga barangay officials.
Kaugnay nito, hinimok ng alkalde ang publiko na wag ma alarma bagkus maging lalo pang maging mapagmatyag.
Kabilang sa binigyang diin ng alklade na agad ipagbigay alam sa mga otoridad sakaling may mga bagong mukha sa mga barangay, nakakadudang mga naka parked na mga sasakyan,at naiwang mga bagahe lalo na sa mataong lugar.
Huwag din aniyang mabahala sa napapansing pag ikot ng mga air assets ng military sa gabi at madaling araw na kung saan nalalayun lamang aniya na mabigyang seguridad ang mga taga syudad.
Iginiit naman ni Mayor Cyn na nagpapatuloy ang implemetasyon ng discipline hour sa syudad kung kayat mariin paring ipinagbabawal ang pagala sa lansangan mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw. (DENNIS ARCON)
City PNP Pic