Amerika, binalaan ang Pakistan sa umano’y pagsuporta nito sa Taliban Forces ng Afghanistan

World – Binalaan ni US Secretary of State Rex Tillerson ang Pakistan dahil sa umano’y pagsuporta sa Taliban Forces ng Afghanistan.

Sabi ni Tillerson, maaaring maputol ang mga prebilehiyong natatanggap nito mula sa Amerika kung hindi magbabago ng posisyon ang Pakistan.

Mariin namang itinanggi ng Pakistan ang mga akusasyon ng Amerika.


Matagal nang magkaalyado ang dalawang bansa kung saan nakakatanggap ng bilyong dolyar na tulong ang Pakistan mula sa Amerika dahil sa special status nito bilang non-nato alliance partner.

Facebook Comments