Nakatanggap ng tawag si Cyril James Ruiz punong barangay ng Turno, Dipolog City. mula sa kanilang hotline na ipinapaalam na may isang tao na natamaan ng ligaw na bala. Madali namang inaksyonan ng Dipolog City Police sa pangunguna ni SPO2 Edrin Aquino.
Sa inisyal na imbistigasyon, kinilala ang biktima na si Victoria Perez y Gomez, 64, residente sa Ramos Village, Sta Filomena, Dipolog City at isang city school division superintendent ng Dipolog.
Sinabi ng biktima bandang 11:00AM hulyo 2, 2017 habang abala siya sa pag aayos ng kanyang mga gamit sa loob ng kanyang kwarto nakarinig siya ng malakas na alingaw-ngaw ng putok, doon nalang niya nalaman na may tama sa siya sa kaliwang paa.
Dali naman itong dinala sa Corazon C. Aquino Hospital para malunasan. Sa ginawang follow-up investigationng kapulisan sa lugar na pinangyarihan at base sa testimonya ng nakakita sa pangyayari, kinilala ang nagpaputok na si SPO2 Roy Vertudes , nakatira sa nasabing lugar.
Ginamit ni Vertudes ang calibre 22. Pinuntahan ng mga romespondeng pulis ang bahay ni SPO2 Vertudes,ngunit mismong misis lang na si Laila Vertudes ang inabutan hindi naman niya alam kung saan pumunta ang kanyang asawa binigay naman ang baril na ginamit.
Ang baril na nakuha nasa kustodiya na nang kapulisan ng Dipolog para sa tamang disposasyon.
City School Division Superintendent tinamaan ng ligaw na bala
Facebook Comments