Cityhood ng Lal-lo, May Alas Na!

Lal-lo, Cagayan – Isang alas na ng Lal-lo na maging lungsod ito sa nakatakdang pagbubukas ng Cagayan North International Airport o CNIA.

Sa panayam ng RMN News Team kay Vice Mayor Oliver Pascual, malaki umano ang pag-asa na maibabalik ang pagiging lungsod ng Lal-lo sa kabila na may mahabang proseso ito.

Kinakailangan umano ng tulong ng mga nakatataas na politiko upang maipasa sa kongreso ang restoration ng cityhood sa Lal-lo.


Dagdag pa ng bise mayor na mas may karapatan ang Lal-lo na maibalik ang pagiging Nueva Segovia nito dahil sa ang archdiocese ng Vigan ay nanggaling sa Lal-lo.

Inihalimbawani VM Pascual na naibalik ng Vigan ang restoration nito base sa historical rights, kung kayat sa pagiging orihinal ay mas prayoridad sana ang bayan ng Lal-lo.

Matatandaan na pang-apat na lungsod ang Nueva Segovia (Lal-lo) noong taong 1581.At naging plano narin ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Manuel Mamba na maging provincial capital ng Cagayan ang Lal-lo.

Facebook Comments