Bacolod City – Ibinasura ng RTC Branch 42 ng Bacolod ang civil case na isinampa ng mga supporters ng dating alkalde ng lungsod na humihingi ng manual count o audit sa mga balota noong nakaraang 2016 elections.
Ang petisyon ay isinampa ng labing walong mga registered voters at supporters ni dating Mayor Monico Puentevella sa ilalim ng grupong National Unity Party – Mabinuligay Kita sa Kauswagan o NUP/MKK.
Kasama sa respondents ng petisyon ay ang mga Board of Canvassers ng Bacolod City COMELEC Office na sina Election Officer Mavil Majarucon-Sia, Vice Chairman Leilanie Bojos, sikretaryo na si Atty. Gerald John Joven at ang City Treasurer na si Giovanni Balalilhe.
Sa desisyon ni Hon. Judge Fernado Elumba, dinismiss ang petisyon dahil wala ito sa ilalim ng authority ng korte.
DZXL558