Civil Service Commission, bubuo ng guidelines kung ano lamang ang regalo na pwedeng tanggapin ng mga kawani ng gobyerno

Bumuo na ang Civil Service Commission (CSC) ng team na tutukoy sa “Nominal” o “Insignificant” na regalo na pwedeng matanggap ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Sa loob ng dalawang Linggo, ang draft ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng republic Act 6713 o Conde of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees ay inaasahang ilalabas.

Ayon kay CSC Assistant Commissioner Ariel Ronquillo, naglabas na ng direktiba si CSC Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala na bumuo ng team na siyang tututok sa isyu at makakbuo ng guidelines.


Binigyang linaw niya na ang mga ‘Acceptable’ o ‘Unacceptable’ na regalo ay hindi lamang nakabase sa halaga nito dahil ang mga regalo “comes in different forms.”

Facebook Comments