Civil Society Organizations, hinikayat ng Philippine Council for Agriculture & Fisheries na magpa-accredit bilang partner ng Department of Agriculture

Members of PCAF National Technical Secretariat on CSO Accreditation (right) conducts field validation of the Pig Producers Federation of Surigao del Sur at the Provincial Veterinary Office, Tandag City, Surigao del Sur.

Hinihikayat ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) ang mga civil society organizations na magparehistro at maging accredited partner ng Department of Agriculture sa pagpapatupad ng kanilang mga programa, aktibidad at mga proyekto.

Ang mga accredited CSOs ang syang nagsisilbing implementing partners o beneficiaries sa ibat ibang programa ng DA.

Ayon kay PCAF Executive Director Nestor Domenden ang PCAF ang nagsasagawa ng stakeholders’ consultations, dialogues, at participatory monitoring ng mga programa at proyekto ng DA.


Paliwanag pa ni Director Domenden na bukas ang akreditasyon para sa lahat ng civic organizations, cooperatives, non-governmental organizations, people’s organizations, indigenous people’s organizations, at non-profit organizations na mayruong expertise sa agriculture at fisheries.

Sa mga nais ma-accredit kinakailangan lamang mayruon silang maayos na track record sa civil society works.

Mayruon namang 3 paraan para makapag apply ng akreditasyon:

(1) mag fiil up ng form na maaaring idownload sa PCAF webaite.

(2) scan ang certified true copy ng lahat ng mga requirements, kabilang na ang Certificate of Compliance for cooperatives na naka rehistro sa ilalim ng Cooperative Development Authority;

(3) ipadala ang mga dokumento sa CSO National Technical Secretariat sa cso.nts@pcaf.da.gov.ph.

Samantala, maari ding isumite ang mga requirements sa lahat ng Regional Technical Committee na matatagpuan sa DA-Regional Field Offices. Dagdag pa ni Director Domenden lahat ng CSOs ay regular na minomomitor ng national and regional technical committees sa pamamagitan ng kanilang quarterly reports na isinusumite sa PCAF.

Facebook Comments