Real-time na paghahatid ng hustisya para sa mga Pilipino ang pinakalayunin ng mga bago at napapanahong programa sa hudikatura sa ilalim ng pamumuno ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo.
Ang real-time na hustisya ay hindi lamang pantay, patas, transparent, accountable, at inclusive, ito rin ay may kakayahang sumabay sa mga pagbabago sa teknolohiya ayon kay Gesmundo sa kaniyang talumpati para sa ika-130 anniversary celebration ng Philippine Bar Association (PBA) sa Makati City noong Biyernes, Setyembre 9.
Sinabi pa ni Gesmundo na, “in line with our efforts towards a technology-driven Judiciary, we have decided to allow the conduct of all court proceedings through videoconferencing even after the end of the (COVID-19) pandemic”.
Ang “Virtual Hearings and Electronic Testimony Committee” ng Korte Suprema ay pinag-aaralan at binubuo na rin ang mga magiging panuntunan para maging tuloy-tuloy na ang mga pagdinig ng kaso sa pamamagitan ng videoconferencing kahit pa matapos ang pandemya.
Ang videoconferencing ay “live, visual connection between two or more remote parties over the internet that simulates a face-to-face meeting”. Dahil dito, ang mga Pilipino, lalo na ang mga nasa malalayong probinsya, ay hindi na mahihirapan pang gumastos sa pamasahe at bumyahe nang matagal para lang magkaharap-harap at makamit ang kanilang hustisya.
Nakikita ng punong mahistrado na mabakante man ang mga korte ng mga tao ay para na rin ito sa ikabubuti ng lahat upang mas mapabilis at mas mapaghusay pa ang mga legal na serbisyo para sa lahat ng Pilipino.
Maging ang mga kababayang Muslim at pati na rin ang mga tinatawag na “refugee” at “stateless person” ay ilan lamang sa mga grupo na sinisiguro ng Hudikatura na magkaroon ng “access” hindi lang sa mga impormasyon, pati na rin sa mga pinaghusay pang “legal aid initiatives” nito.
Nabanggit ng punong mahistrado na magkakaroon ng “National Summit on Legal Aid” at “National Summit on Clinical Legal Education”.
Dagdag pa nito, “the foundations of Shari’ah Justice will be enhanced through an institutional review that will include the Shari’ah legal education system and rules of court.”
Kung kaya’t hiniling ni Gesmundo ang suporta ng PBA, na siyang pinakamatandang voluntary organization ng mga abogado sa bansa mula pa noong 1891, “I hope that the Court can also count on you to push for both the adoption of these reforms in the judiciary, and the adaptation of your peers in the profession to innovations and technological advances. I urge you to invest in the skills and resources needed to enable the shift that we envision.”
Ang mga Associate Justice ng Korte Suprema na sina Ramon Paul L. Hernando, Rodil V. Zalameda, Jhosep Y. Lopez, at Jose Midas P. Marquez ay kasama rin sa pagdalo sa anibersaryo ng PBA.